COPYRIGHT

All rights reserved. No part of this website may be reproduced or reprinted the information especially the photographs by any means including computer printing, e-mail, personal website etc. without prior permission of the copyright owner, except by a reviewer who may quote brief passages in a critical article or review.

Sep 18, 2007

What's your name?(Part 1)

Tulad ng pagbuo ko ng isang tula hango sa mga teleserye ng ABS-CBN noong nag-umpisa pa lamang ako na magblog dito sa blog world; kasunod noon ay ang pagbisita ko sa iba’t ibang blog at binuo ang web journey; ang pagsulat ko tungkol sa “first” during my first month of blogging; ang pagkaroon ng conversation ng dalawang sapatos during my second monthsary at ang pagbuo ko ng isang post tungkol sa numero, ito naman ako at nakabuo ng isang post na pinatagpi-tagpi ko tulad ng paggawa ko ng arts in craft. Hindi nyo to mabasa ng buo. Medyo mahaba kaya hinati ko sa tatlong parte.

WHAT’S YOUR NAME?

Did you ask your parents where they got or how they chose your name? Yes, ang parents natin ang nagbigay sa atin ng pangalan.

Kung ang huling letra sa pangalan ay O sa lalaki at A sa babae, ito ay galing sa almanac. Gaya ng Francisco, Soterania, Aquilina, Bernardita, Inocencio, Sofia, etc.

Kung ang pangalan mo ay 1) Peter, 2) Andrew, 3) & 4) James, 5) John, 6) Philip, 7) Bartholomew, 8) Thomas, 9) Matthew, 10) Thaddaeus, 11) Simon, or 12) Judas, malamang kinuha ito ng mga magulang mo sa 12 disciples of Jesus Christ.

May mga pangalan din na hango sa buwan ng kapanganakan gaya ng April, May, June, July. Ang petsa ng birthday ay ginawa ring pangalan tulad na lamang ng pamangkin ko na si Janine na ipinanganak moong January nine. My other niece classmate’s name is Junine because she was born on June nine.

Kapag babae at ipinanganak ka noong 1969 at Gloria ang naging name mo; Aurora nong 1970; Margarita noong 1973; Rosemarie noong 1975; Mimilanie noong 1979; Maria Rosario noong 1980; Diesiree noong 1984; Sharmaine noong 1993; Charlene noong 1994; Mirriam noong 1999; Precious Lara noong 2005, malamang ang nanay mo ay mahilig sa beauty contest dahil ang nabanggit na mga pangalan ay hango sa pangalan ng kandidatang Pinay na lumahok at nagkaroon ng titulo o pwesto sa Miss Universe, Miss World at Miss International.

Kapag ang pangalan ng lalalaki ay Andres, Luke, Milt, Leandro, Steve, Leandro, Ming, Carlos, Tim, Michael, Kobe, Lebron, Carmelo o Elton, malamang ang tatay ay mahilig sa NBA.

Kung ang pangalan ay Philip, Hope, Winston o Mark, malamang cigarette smoker ang ama. On the other hand, Flordelyn, Lily, Rose, Marigold ang pangalan mahilig sa mga bulaklak ang ina.

Kapag ang pangalan mo ay: Andrew, Bernadette/Benedict, Clement, Dominic, Elizabeth/ Ephraim, Francis Xavier, Isaac, John/Jerome/Joseph/Jude, Lucy/Luke, Mark/Mary Magdalen, Nicholas, Paul/Peter/Patrick, Robert, Stephen/Simeon, Thomas/Teresa, Vincent, ito ay hango sa pangalan ng mga Saints.

At may kababayan ako na ang pangalan ng mga bata ay ABC’s in order. Antonio(eldest), Benjie, Charlie, Darlene, Edeliza, Flordeliza, Geremy, Hargelyn & Igelyn(youngest).

May mga pangalan din na dalawahan na ang unang pangalan ay nagsisimula sa Maria. Gaya ng Maria Isabel, Maria Rowena, Maria Julieta. At meron din na ang Maria ay pinaikli(abbreviation) gaya ng: Ma. Georgina(classmate ko ng H.S.), Ma. Charito(classmate ko ng H.S.), Ma. Elena(classmate ko ng college). At ang maria na pinaikli at naging Ma. ay naging English name. Like, Mary Grace, Mary Jun, Mary Rose o Mary Ann.

Ang dalawahang pangalan ay maraming version din gaya ng Jun Eric, Rosellyer John, Cyrille Kae, Lily Rose. Sila ay naging classmate ko sa high school. In addition, Mark Aethen, Allen Michael, Joe William, Tristan Jeffrey, Jacklyn May at Mark Xander. Sila ay mga kapwa blogger ko. May mga dalawahang name din na ang huli ay Rose gaya ng Sharon Rose, Gee Rose, Joji Rose, Ruby Rose o Julie Rose.At Ann gaya ng Jory Ann, Rose Ann, Jean Ann.

At Lyn gaya ng Robelyn, Shirmalyn, Juvelyn, Jenalyn, Analyn. Sila ay mga high school classmates ko. At Mar na pangalan para sa lalaki tulad ng Rollymar, Gremar, Joemar. Sila ay mga high school classmates ko rin.

May mga pangalan din na nilagyan lang ng letrang H sa hulihan gaya ng Shellah, Jalilah, Hannah o Dinah.

-----> to be continued...

14 comments:

Anonymous said...

This is so informative redlan. Ako idk, it just happened na May ako pinanganak kaya dinugtong sa name na Jacklyn. Hehehe...kaw redlan, what's your real name?

Four-eyed-missy said...

Hi Red... am waiting for you to answer jackie's question -- ano ang tunay mong pangalan?
I guess mine is one of those names ending in H... hahaha. I also tagged you, come visit my blog :D

RedLan said...

oo nga. Bawat name ay may pinagkunan. Buking ako kay Mark kasi he knows my first name. Makikita yun sa latest posts niya at sa shout box ko. hehehe. I will put my name sa natitirang part ng post na to.

RedLan said...

Uy, nandun pala name mo sa sample ko @ Zj. Sana pag alam ko nilagyan ko yun ng url mo. hehehe.

I put my name sa natirang part ng post na to. hehehe.

Thanks sa pagcomment. Welcome back!

Anonymous said...

kahirap no. will u include here mga filipino surnames?

BTW, yung mga pinangalan sa santos, minsan tinatawag na galing sa kalendaryo kc nuong mga unang kapanahonan (all though may nabibili pa naman ngayon)ang mga kalendaryong gamit may nakasulat ng feast day ng bawat santo per day. Tulad ng mga babaeng pangalan ay lourdes, most probably february pinanganak at malapit sa Feb 11 (feast ng our lady of lourdes)!

iyong continuation ba kasama na mga makabayan names like, malakas, makisig, maharlika, kalayaan? :)

RedLan said...

oo nga Josh. Hindi ko na nainclude yung surnames. I will add the one u suggested. Thanks sa idea. Ang harli na-inlcude ko na. hehehehe.

Thanks sa pagcomment josh. Ang latest posts mo i need to concentrate na basahin kasi makadiyos yun kelangan isaisip ko muna bago magcomment.

JoiceyTwenty said...

ang cute neto.

dati naglalaro kame ng mga pinsan ko. paunahang makaisip ng name ng matanda [i mean adult] na hindi nagtatapos sa "a".

isip ako. ang nanay ko? nelia. lola ko? josefa? marciana?

ah. ang tita ko. merlyn. :)

haha. ako joice. ewan ko kung san galing. haha.

Pepe said...

Good post Red....! But i still don't know how my parents picked my real name for me....! My real name ends with the letter "C" and it means "King" in the book of names, pero secret sya indi ako magpabuking he-he....! I think may idea ka na ha-ha....! =D

RedLan said...

Thanks sa pagcomment mo Joyce. Tanungin mo nanay mo kung pano or saan nya kinuha name mo. Joice is a nice name naman.

RedLan said...

Wala akong idea @ Pepe. hehehe. Ang alam ko lang na name that means King is Rex. Yan ang sabi ng kikay friend ko kasi yan ang name ng kuya niya. Kaw talaga hindi magpabuking.

Anonymous said...

andaya! hahaha.. why does it have to be so confidential? lagay mo na d2 :D

thanks for the special mention ha :) nagbblush 2loy ako. ahihhi.. mraming salamat po! :D

Anonymous said...

Red: di ko nga din alam saan nakuha ng parents ko name ko pero alam ko it is one overused name in the Phil. Ano nga ba name mo 'to? May naalala akong funny name ng cousin ko, since he was a frustrated doctor, alam mo ba pinangalan sa kid nya Doktora so kahit daw di maging doctor, doktora pa rin kahit sa pangalan lang.

RedLan said...

Uy, nasa shirt yung name ko na galing kay Mark. ROD, that's simple three letter name.

hehehe @ Jasckie.

RedLan said...

ROD @ Mes. T.

unique yung name ni doktora.