COPYRIGHT

All rights reserved. No part of this website may be reproduced or reprinted the information especially the photographs by any means including computer printing, e-mail, personal website etc. without prior permission of the copyright owner, except by a reviewer who may quote brief passages in a critical article or review.

Jun 10, 2007

ANG TULASERYE (Part 1)

MAALAALA MO KAYA ang mga teleserye na nagpaiyak sa’yo at nagpatawa?

Ang tulang mababasa nyo ang kathang isip lamang batay sa mga teleserya ng ABS-CBN. Kaya KAPAMILYA gabayan ang inyong mga anak sa pagbasa.


May tatlong magpinsan
MARA CLARA, ESPERANZA at Sarah ang kanilang mga pangalan.

Si Mara ay isang KRYSTALA
May kapangyarihan siya.

Si Sarah naman ay isang BITUIN o isang artista
SARAH THE TEEN PRINCESS ang tawag sa kanya.

Samantala, hindi sikat at walang angking kapangyarihan
Si Esperanza ay isang KAMPANERANG KUBA lamang.

Silang tatlo ay nagkagusto
Sa isang binata na matipuno.

Miyembro siya ng ROUNIN
Siya ang may kapangyarihan rin

Ngunit sa kanyang ordinaryong buhay
Siya ay hamak na PANDAY.

SUPER INGGO ang kanyang palayaw
Inaangking anak siya ni super inday at super islaw.

Hindi sila mayaman
Sa TABING ILOG sila naninirahan
Ang tanging sandata nila ay ang kanilang kapangyarihan.

Sina Mara Clara at Sarah ay di makapaghintay.
Sila mismo ang nag akyat ligaw sa unico hijo ni super inday.

Si Mara Clara ay may dala
CALLA LILY ang hawak niya.

Dahil si Sarah ay mayaman
Bitbit ay VIETNAM ROSE at box na chocolate ang laman.

Habang naghihintay sila
Biro ni Sarah kay Mara,
“Maybe, IT MIGHT BE YOU
Ang makatanggap ng kanyang matamis na Oo.”

Pero hindi sila pinansin
Ang lalaki ay nagpunta sa simbahan upang manalangin.

Nakita ni Super Inggo si Esperanza sa likod ng altar
Agad naman niya itong nilapitan.

Kinuha niya sa altar ang flordeluna
At inalay niya ito sa dalaga.

Nagulat si Imang
Yan ang tawag sa kanya sa simbahan.

Pero kamay niya ang hinawakan ni Christian
Yan ang kanyang tunay na pangalan.

Ang hindi pagpansin ni Christian sa dalawang magpinsan
Ay siyang may dahilan.

Siya ay MAY MINAMAHAL
At ito ay si Imang.

“Mahal kita Imang
MAGING SINO KA MAN.”

“PANGAKO SA’YO Christian
Mamahalin kita HANGGANG SA DULO NG WALANG HANGGAN.”

“Dito sa puso ko, ika’y WALANG KAPALIT
Kahit buong mundo pa ang magalit.”

“SA PUSO KO IINGATAN KA
BASTA’T KASAMA KITA.”

“SA PILING MO
Ako ay maging kuntento.”

Pero natauhan sila
Nang may nagsalita sa likuran nila.

"KAY TAGAL KANG HININTAY
Sa kanya ka lang pala bumigay."

Tinig yun ni Mara Clara
Kasama niya si Sarah.


Sarah asked Imang,
“WHICH STAR ARE YOU FROM?
Ambisyosa naming pinsan.”

“MANGARAP KA sa pareho mong kuba
Huwag sa lalaki na maganda ang postura.”

Si Sarah at Mara ay patuloy sa paglait
Umiyak si Ezperanza na galit.

Dumilim ang kanyang paningin
At nasabi niya, “Ika’y BITUING WALANG NINGNING.”

Siya ay patuloy
Habang ang luha ay dumadaloy.

“Ikaw ay HIRAM, HIRAM NA MUKHA
Lahat na maganda sa’yo, pinagawa mo kay Belo.”

“Pabayaan mo sila Mahal”
Pumagitan si Christian.

“Huwag mo silang pansinin
Dahil IKAW ANG LAHAT SA AKIN.”

Si Christian naman ang nagsalita
Siya ay naging makata.

“I’M CRAZY FOR YOU
They can’t stop me to love you.”

Si Sarah ay nagpaubaya
Wala siyang magawa.

Si Mara ay bumigay
Pero tumaas ang kanyang kilay.

Ang dalawa ay kinasal na masaya
Si panday at si kampanerang kuba.

Ngunit di ito ang pagtatapos ng kwento
Dahil may pagtutuos; may dilubyo.

No comments: