As I remember it was last year, rainy season nang una kong manotice si Buddy. Nasa Department Store ako noon nagmo-malling kasi umuulan sa labas. Na-attract ako sa kanya . And without any hesitation, pinili ko siya agad at baka makuha pa siya ng iba. Umulan man at umaraw magkasama kami. In good times or in bad times, ika nga. Talagang napakasupportive niya sa akin at inaalagaan ko naman siya in return. Kung lumabas kami , siya ang nagki-care sa akin. Kapag nasa indoor lang kami, ako naman ang naka-care sa kanya. Kapag mainit ang panahon, hindi niya gusto na ako'y mapawisan o mainitan man lang at kapag umuulan naman, ako naman ang nagpapatuyo sa kanya. Noong isang araw iniwan ko siya sa labas dahil siya ay basa at hindi siya pwede pumasok sa mall.
Pero minsan ay hindi ko talaga gusto na isama siya sa aking mga lakad especially kapag ordinary days lang naman. Aminin ko in those times, I feel hindi ko naman siya kailangan. Kung kailangan ko naman siya, siya ay nandiyan lang para sa akin. Maaasahan talaga siya. "Umula't bumagyo, ayos lang"(kanta ng APO). Tulad ngayon, nalimutan ko naman ang aking payong dahil maganda na ang panahon.
10 comments:
Waah! Apir!
Ako rin tinatamad magdala ng payong dahil kapag mayroon ako e hindi umuulan. Kapag nakalimutan ko naman e umuulan! Buset! Hehe!
alam mo Red, lagi ako nakakaiwan ng payong dati sa bus, Jollibee, stores lalo na pag OK na ang panahon when i leave the place, ngaun ko lang nari realize na naaalala ko lang sya pag kailangan ko sya, sama ko no? Thanks a lot Red for always sharing with us your inspiring posts. You're such an angel! TC!
Haha @ jino-joke ka ng panahon @ Poli. E, pano yung kinuha mong payong sa skul? Yun ay hindi mu nakalimutan, kinuha yun. hehehe
Salamat sa pagcomment.
Hindi ka masama. Kasalanan ng payong yun kasi hindi sumusunod sa amo. Itali mo nga yan sa susunod. Joke.
Thanks too Mrs. T. You cheer me up always sa mga comment mo dito at sa iba kasi palagi kang may punchline. Knock out ang kokontra.
Nyahaha. Ayos ang post na ito. Dati di rin ako nagdadala ng payong pero nadala na ako nung college days ko. Lagi kasi akong basang sisiw. Ngayon lagi ko na syang dala. Mahal ko na sya. Best friends na kami. :D
Ahh si umbrella ela ela e... (oopps why was I singing that early in the morning?) haha... I need to get myself a buddy like that too... I always get wet through flash rains nowadays...
Uy, bestfriend na kayo ng payong @ Mel. Thanks for sharing ur own experience.
May profile pic ka na. That's kewl!
Most of the times, tinatamad naman tayo magdala ng umbrella. Ganun ako. hassle, di ba? hehehe.
Thanks for the comment @ Allen. Singer ka rin ba tulad ni Jackie?
wow naman ang sweet naman non. concern kung concern.
kaw naman kxe redlan magdala ka na nga daw ng payong mo. ahihihi..
yngat sa ulan and God Bless.
Hehe @ Jackie. Minsan dinadala, minsan hindi eh.
Post a Comment