COPYRIGHT

All rights reserved. No part of this website may be reproduced or reprinted the information especially the photographs by any means including computer printing, e-mail, personal website etc. without prior permission of the copyright owner, except by a reviewer who may quote brief passages in a critical article or review.

Oct 9, 2007

Missing...

Most of the times, gusto kong mapag-isa especially kapag may problema. Pero nakakabored rin pala na nag-iisa sometimes kung wala kang iniisip na problema. Marami kang maiisip na problemahin. Minsan kahit na hindi dapat problemahin ay napag-isipan mo. Tulad na lang ngayon, wala akong naisip na gawin, walang naiisip na i-post. Mag-isa lang ako. Usually sa time na 'to magkasama kami ng close friend ko sa place niya. Magkasama kami magdinner everyday. Wala siya ngayon dito sa Iloilo. Pumunta siya ng Manila kaninang hapon for work training doon. Babalik naman siya bukas. Nakaka-miss rin pala ang isang tao na most of the times kasama mo at sa isang saglit mawawala siya sa paningin mo. For one day, na-miss ko ang luto niya at yung never ending story niya habang kumakain at nanonood ng prime time bida.

Natuto na ako sa kasabihan na: Mamiss mo lang yung tao o bagay kung wala na siya sa buhay mo. Kaya yan ang rason kung bakit nagpapasalamat ako sa presence ng isang tao o mga bagay na ginagawa niya gaano man ka laki o kaliit ang kahalagahan sa akin. May nangyari kasi noon na binalewala ko ang kahalagahan ng isang bestfriend kasi I felt confident na nandiyan lang siya palagi. Maintindihan niya ako sa lahat ng oras at ang mga bagay na ginagawa ko. Oo nga, hindi siya nagreklamo pero pinaramdam niya sa akin ang kahalagahan ng isang tunay na kaibigan. Hindi ko siya makakalimutan.

Tulad na lamang ng holy friend ko. Iiwanan na niya kami dahil magri-resign na siya sa work. Magpapakasal na siya this month. Masaya ako para sa kanya. Pero mami-miss ko siya, yung mga bagay na ginagawa niya.

Itigil ko na nga 'to. Hindi ko na kayang ipagpatuloy. Namumula at naluluha na mga mata ko. Sniff sniff sniff. Hindi ko na mapigilan sipon ko. May ubo pang kasama. I guess I need to take med. Parang lumala ang lagnat ko.

14 comments:

Anonymous said...

hala hala.. kuya red, ok lang yan.. sometimes we have to go separate ways but it doesnt mean na tuluyan tayo mawawala sa buhay ng isat isa.

im sure pareho lang kau ng nararamdaman..

it's sad, but that's one of life's bitter realities.

tsaka..

kuya red, go takbo na.. inom na meds.. mahirap magkasakit. panira ng blogging ang pagkakasakit. hehe

sige ka, mamimiss ka namin.

Anonymous said...

pareho tayo ng nararamdaman right at this moment Red! Nami miss ko tatay ko! My husband woke me up last night kasi umiiyak daw ako in my sleep pero di ko matandaan anong dream ko basta ang alam ko napanaginipan ko tatay ko, laging ganito pag malapit na death anniv nya. About friends pala, we usually take them for granted knowing well that they will always understand, we tend to please other people more than our close friends kasi di tayo sigurado kung maiintindihan ba tayo ng ibang tayo gaya ng pag intindi sa atin ng friends natin. Hayyyy! ako din dami kong friends na nami miss ko kasi puro mga missing in action e! Cheer up!

Coldman said...

I just hope ur ok right now.
Take care of yourself bro!

The Rainmaker said...

Chicken soup lang ang solusyon dyan. Walang sakit na hindi ginagamot ng chicken soup. At least that's what my grandmother says. Chicken tinola ata tawag sa Tagalog nun..hehe

engz said...

pagaling ka. wag masyadong magdamdam. sa panahon ngayon, bawal magkasakit.

:p..get well bro.

RedLan said...

Tama ka elay, temporary lang ang pagka-sad na mag-separate na kayo ng landas ng mga tunay na kaibigan. Pero masaya naman tayo para sa kanila.

Medyo okay na ako. I ate more and drink a lot of water and take vitamins. Thanks sa concern ha.

RedLan said...

Nagpaparamdam talaga ang mga kaluluwa kapag malapit na ang birthday o death anniverary nila.

Mahirap talaga mawala ang isang tao sa atin pero if umalis sila para sa kaligayahan maging masaya rin tayo para sa kanila.

Thanks sa pafshare mo ng sariling missing mrs t

RedLan said...

Medyo okay na ako coldman. Mahirap magkasakit lalo na kapag marami ka pang gagawin.

Thanks sa pagbisita at pagcomment dito. I really appreciate it.

RedLan said...

Thanks for the recommendation @ Ted. Kala ko chicken soup na libro. hehehe. Masarap ang chicken tinola. I love them both!

thanks!

RedLan said...

Medyo okay na ako engz. Mahirap kasi magkasakit. marami maapektuhan kapag magkasakit ako. isa na sa listahan ang trabaho ko.

Thanks sa concern. Take care!

MeL said...

I wish you well, Red. :)

Separation doesn't mean na mawawala na sya sa buhay mo. It's only the distance that makes us feel sad pero you can always keep in touch pa din dba? Smile always Red. :)

RedLan said...

May tama ka Mel. Thanks sa pagcomment.

Anonymous said...

kuya, please cheer up. alam ko in a way outlet mo ang blogworld but then u don't have to burn urself in mourning. think about the happy times u and ur workmate spend with. Diba it 'll be better to be happy for your friend? xmpre for his sake din naman un. wag ka nang sad.

nand2 lang kami for you. especially me. ;)

RedLan said...

Nakakatouch naman @ Princess.

Thank you thank you. I really appreciate it. U're so sweettttttt!