COPYRIGHT

All rights reserved. No part of this website may be reproduced or reprinted the information especially the photographs by any means including computer printing, e-mail, personal website etc. without prior permission of the copyright owner, except by a reviewer who may quote brief passages in a critical article or review.

Oct 10, 2007

it's a BOY thing

May isang bata na nagbibinata. Nag-iba ang anyo ng kanyang katawan. Mabilis ang pagtangkad at ang boses niya ay lumaki pero parang binasag na pinggan. Nag-umpisa ang pagsulpotan ng mga balahibo sa parte ng kanyang katawan lalo sa mga parte na nakatago. Nagsulpotan din ang mga taghiyawat sa kanyang pisngi. Nagkaroon siya ng curiosity sa mga bagay bagay at marami siyang nadiskubre lalo na sa pornography. Ang unang nagbinyag sa kanyang mga mata ay ang pahayagan na bandera. Ito ay isang series na storya tungkol sa maselang terminolohiya na kung tawagin ay SEX. Ilang araw din ang pagbasa hanggang ma-reach ang ending. Pero hindi yun ang pagtatapos sa pagbasa dahil may bagong storya naman na nag-umpisa. Iniipit lang niya sa kanyang kwaderno kunwari nagbabasa ng leksyon para hindi siya mahalata. Isang gabi nagkagulo sa kanilang sala. Nang tingnan niya hinarang siya. Nanonood sila ng bomba at bawal magsilip ang isang bata tulad niya. Tumatak ito sa isipan niya at kung bakit bawal ito na sa time na yun siya ay binata na. May nakita siya sa isang magazine stand na nakahuli ng kanyang atensiyon. Magazine na ang cover ay nakahubad na nilalang. Pasulyap-sulyap siya hanggang ito ay kanyang hinawakan. Palihim niyang kinuha at pasimpleng inabot ang kanyang bayad sa tindera. Pagdating sa bahay diretso agad siya sa kwarto at excited na binuksan ang naka-plastic cover pa na magazine. Ini-lock niya ang pintuan at ini-scan ang kahubaran ng mga nilalang. Ang magazine na yun ang napamulat sa isang bagay na noon ay nasa kanya lamang imahinasyon. Ang magazine ay kanyang naging koleksyon. Hindi lang doon ang boundary o outlet ng malalaswang bagay. Pati sa sinehan ay kanyang pinasukan upang makita ang gumagalaw na kahubaran na nabasa niya sa pahayagan at nakita niya sa magazine na binili sa magazine stand. Nakahiligan na niya na manood sa bawat change program sa moviehouse. Nanood rin siya sa vcd at dahil bawal manood sa kanilang sariling bahay, nagsleep-over siya sa bahay ng kaibigan. Doon bawal rin ang manood ng kalaswaan kapag gising ang mga matatanda kaya hinintay muna nila na makatulog ang mga ito at in-insert ang vcd sa player nito at nanood habang may headphone na suot. At naging madali na gawin ang lahat dahil sa access sa internet. Rampant ang pornography sa loob nito. Type it, and they have it. May mga site na naging business ito. May model na binabayaran para magshow. At kahit sa cellphone may ganun na scandal kung tawagin. Sa actual ay nagi-exist rin at ito ang pinakalala. May mga night show at live show. Naging adventurous yung bata at nagpunta sa night club. Nagdate ng prostitute hindi para magbayad sa kaligayahan pero upang malaman ang rason kung bakit ginagawa nila ang ganun klaseng trabaho. Dahil raw sa kahirapan, walang pinag-aralan at madaling gawin yun. Pero hindi lang pala sa night club, may mga lugar din na dinadapuan, pati sa mall ay naging tambayan.

Maraming bagay ang nadiskubre ng bata. Marami sa kanyang mga tanong ang nasagot. Marami ang kanyang naranasan dulot ng curiosity at excitement. Natatawa lamang siya kung maalaala ang mga yun. Dahil siya ay nagsawa at natuto na ngayon.

26 comments:

Anonymous said...

I strongly agree on this kuya. kaya in time na magka anak ako, sa teenage years nia, ipapamulat ko sa kanya mga bagay na hindi dapat nya kamulatan sa mga tao sa paligid nia sa labas ng bahay. iba kxe ang paliwanag ng magulang kesa sa mga taong makikitid utak. nagiging iba pananaw nila sa mga ganong bagay pag ndi naipaliwanag ng maayos.

with regards to the story, it wudn't turn out to be that way kung napaliwanagan lang ung bata ng maayos.

walang bagay na hindi nadadaan sa magandang paliwanagan at usapan.

Anonymous said...

Ganda ng story.

Sometimes we go beyond our curiosity. In fact when we were just little we can all-consume curiosity about everything that surrounds us. I admit I'm guilty of the same thing too, pero it was part of growing up but when you reached a certain age na you just laughed about what you did.

Do we blame technology? Everyone will say yes. Log on to the internet and, within minutes, you can find countless sites offering guns, pornography, etc.

Pero end of the day, you asked, why? - because humans made the internet, and because we populate it, we are the ones to blame.

Hehehe napahaba.

RedLan said...

walang bagay na hindi nadadaan sa magandang paliwanagan at usapan- may tama ka Princess.

Kailangan talaga ang gabay ng mga magulang at kailangan na maging open sa isa't isa. JUst teach but don't preach.

Salamat sa pagshare ng insight Princess!

RedLan said...

Galing ng thought sa comment mo K. That's the reality.

Salamat at may napulot ako na aral dun.

Cebu Blogger said...

hanep ka talaga bro magsulat! hmm parang may binabasihan ang kwento na yaon a? aheehe.. joke3x..

tama ng asi jackie at k... GANDA NG STORY! lessons are there!

Keep it up bro!

http://euts.wordpress.com

engz said...

kaw 'to no?

hehe

Anonymous said...

nakikita ko ang sarili ko sa entry na toh .. not really in all cases that you've stated ..

pero, the curiosity is there ..
ganito ata talaga pag nagbibinata .. >.<

RedLan said...

Oo naman. May basis ang mga sinusulat ko dito from facts o naging karanasan sa totoong buhay ng mga tao.

thanks sa comment. active na ulit ang blog mo. posts are worth to read!

RedLan said...

Lol @ Engz. Pinagtagpi-tagping mga karanasan yan. Nadadaanan nating yan although hindi malala o mas malala pa dyan.

RedLan said...

Tama ka chief. Nakarelate ka. Nadadaanan talaga yan ng mga lalaki. Nag-uumpisa sa curiosity yan. Naging hobby tas naging habit. Pero nagmamature naman tayo at magsasawa.

Part of growing up nga sabi ni K.

Thanks sa pagcomment.

Anonymous said...

alam ko nag comment ako kanina dito saan kaya napunta yon, haba pa naman, lol! sabi ko lang mas lucky ang kabataan ngaun kasi mas open minded na parents ngaun pagdating sa sex unlike before na talking about sex at home was a big NO NO. Nice post, thanks for sharing Red!

EneLya said...

..uhm...di ako makarelate kung ibabase sa personal experiences...

hehehe...

but if the experiences of those teens i met, pati sa mga disciples ko, i totally agree...

eeerrr... Philippians 4:8 lang yung masasagot ko niyan...

"Finally brethren, whatever things are true, whatever things are noble, whatever things are just, whatever things are pure, whatever things are lovely, whatever things are of good report, if there is any virtue and if there is anything praiseworthy - meditate on these things."

hehehe... God bless rhed!

R A R A said...

ver nice narration.
i wonder who that boy is.

Armie said...

ang mga parents kasi may pagkaconservative; hindi nila naipapaliwanag sa mga anka nila kasi ang ibanga reasons mga bata pa sila. kaya ng mga bata sa sobrang curiosity, they tend to explore na sila lang. at yun nga dahil walang tamang guidance, hindi nila alam eh nagiging mali na ang handle nila.

Poli said...

Galeng! Kaya ako kapag nagka-anak e ako na mismo ang magtuturo ng mga ganyang bagay para hindi na kung anu-anong gawin.

Pero ika mo nga, it's a boy thing.

RedLan said...

May tama ka Mrs. T. Kelangan naman talaga maging open ang relasyon ng mga magulang sa anak para hindi maglilihim ang anak sa kanila.

RedLan said...

Thanks sa pagcomment Jazzy at sa pagshare ng verse sa bible.

Naenlighten mo ako. Masarap ng pakiramdam.

RedLan said...

Thanks sa pagcomment @ poetic. It's a gathered-together-experiences of some boys at ginawa kong isang story including my own experience.

RedLan said...

Tumpak ang comment mo Armie. Kaya matuto tayo sa ating experience at i-apply natin sa ating anak yung mabuti para sa kanila. Minsan naman may bata na pasaway talaga. case to case basis yan.

RedLan said...

Welcome back poli! Salamat sa pagcomment. Pre-tutorial lesson ba yun? hehehe. Oo nga para ma-guide mo sila sa tamang hakbang at outcome.

Anonymous said...

Ingat lang red, be strong, hehehe!

I think i have had shared moments like dat in my life. But come to think of it, it was only in my elementary years when i had considered a real best friend, after dat episode in my life... parang wala na akong ibang best friend... I just pour my heart out na lang (esp. it times of great sorrow & joy) to Jesus, my God! The best friend one can only have! :-)

Anonymous said...

ang angas talaga ng entry na to. pag naiisip ko nga, nangyayare ba talaga to sa totoong buhay? sadly, oo. at hindi lang, isang binatilyo, o dalawa, pero sobrang dami. it's a boy thing, sabi mo nga. hindi sana masisisi ang internet, o technology, kung napaliwanagan ng mabuti. tayo lang din naman gumagawa nun eh. ang mas mahalaga is the prevention. maraming nakakagawa ng mali kase hindi nila alam na mali yun. or worse, alam nilang mali, pero dahil marami namang gumagawa, eh kinoconsider na lang na normal. hindi porket laganap, at parang normal na sa maraming tao, eh ok lang gawin. iba pa rin kung gagawa ka ng tama.

RedLan said...

Galing mo Josh!

God is our bestfriend!

RedLan said...

Maganda ang pananaw mo @ Joice. Lahat ng sinabi mo ay tama.

Thanks sa mahabang comment.

Anonymous said...

huli man daw at magaling.. may comment parin.. hehehe.. kuya red, nasabi na nila lahat.. uulitin ko lang..

MAGALING. GANDA NG STORY.

MAY ARAL. MAY PUSO. :)

RedLan said...

Thanks elay!

Saan ka nagpupunta? namiss ka namin!