... continuation
May pangalan din na umabot sa tatlo:
Maria Corazon Victoria (blogmate ko)
Joseph Jun Mar (schoolmate ko)
Ma. Veronica Francesca (officemate ko)
Ronnie Romeo Margarito (playmate ko)
Ngunit natuklasan ng mga magulang na kung gaano kahaba ang pangalan ng kanilang mga anak ay ganun din kahirap at naging mabagal ang pagsulat nito. It takes time, ika nga. As if sumusulat ka pa lang ng pangalan mo, ang titser ay nagtatanong na ng question number 2. Kaya ang iba instead na tatlohan o dalawahan ang ibigay na pangalan ay naging one word na lamang. Gaya ng sister-in-law ko, Christian Ace ang binigay na pangalan sa first born niya. Pero yung pangalawang anak ay John na lamang. Isang pangalan pero unique naman gaya ng Luzviminda, Fjordz o Harli.
May pangalan na tatlong letra lamang gaya ng: Cel, Mel, Noa, Joe, Rod, Roy, Rey, Leo, Kev. At may dalawang letra pa nga: Al, Jo o Ab.
May mga pamilya rin siguro na ang pangalan ng mga anak ay hango sa paboritong artista na magka-loveteam.
Tirzo/Nora
Christopher/Vilma
Gabby/Sharon
Maricel/William
Snooky/Albert
Sheryl/Romnick
O mga prinsesa ng ABS-CBN:
Judy Ann
Kristine
Claudine
Anne
Bea
Maja
Angel
O mga hunks:
Piolo
Diether
Jake
John Lloyd
Victor
Sam
May mga nanay din na mahilig sa koreanovela kaya ang pangalan ng anak ay naging Vivian, Martin, Carlo, Sandy, Adrian etc.
O hango sa paboritong singers: Jennifer, Christina, Bayonce, Aaron, Mariah, Hillary, Britney, Natalie, Jessica, Gwen, Justin, Usher, Brandy o Nelly.
May mga pamilya rin na ang pangalan ng mga anak ay Elizabeth, Philip, Margaret, Charles, Andrew, Edward, Diana, George, Helen, Nicholas, James, Marina, Freddie, Ella, David, Sarah, Peter, Zara, William, Harry o Beatrice na hango sa royal family.
to be continued...
6 comments:
wahaha. salamat redlan! in fairness saming apat, ako pa din ang may pinakamahabang pangalan! wagi! more power! ;)
U r welcome @ Cory. Kaw lang pala ang may pinakamahabang first name.
Hello Redlan! :) Nakakatuwa naman ang post mong ito. Melody ang tunay kong name, wala nang kasunod pa. Apelyido na agad. :)
Sowee akala ko Mel lang. Masarap pakinggan sa tenga ang name mo. One of the sweetest names I know.
grabe ngayon pa lang ako magrereply dito.. actually ang real name ko ay FJORDAN hehehe unique pa rin heheheh
Grabe ka rin @ Fjordan. binasa mo pa rin to kahit luma na. thanks talaga. I eally appreciate it.
Post a Comment