COPYRIGHT

All rights reserved. No part of this website may be reproduced or reprinted the information especially the photographs by any means including computer printing, e-mail, personal website etc. without prior permission of the copyright owner, except by a reviewer who may quote brief passages in a critical article or review.

Sep 14, 2007

TATLO

Ipinanganak ako sa dekada na ang uso noon ay ang damit na three sisters kung tawagin at sa dekada din yun ay pinanganak ang kasikatan ng APO Hiking Society. Ang musical group ng tatlong singers na sina Jim Paredes, Danny Javier at Boboy Garrovillo. I was raised in the province na ang nag-iisang means of transportation patungong bayan ay tricycle. Sa probinsiya rin ako unang nag-aral. Natuto magbasa at magsulat. Nagkaroon ako ng kaalaman tungkol sa ating bansang Pilipinas. Itinuro sa amin ang tungkol sa ating watawat na may tatlong kulay na asul, pula at puti.
Ang unang flag ay itinahi sa Hongkong ng tatlong babae. Sila ay sina Marcela de Agoncilla, ang kanyang anak na si Lorenza at ni Doña Delfina Herbosa de Natividad, pamangkin ni Jose Rizal. May tatlong 5-pointed gold stars na nagrepresent ng Luzon, Visayas at Mindanao. Speaking of stars, sa aking kamusmosan at hilig sa kalikasan ay na-notice ko ang tatlong bituin na magkahanay sa langit tuwing gabi. Ito ay ang tres marias sabi ng aking nanay. When I was 13 years old, nagbakasyon ako noong christmas sa ate ko sa lungsod. Dito una kung nakita ang christmas presentation ng nag-iisang sm department store sa Iloilo( ngayon may sm city na). Ang kapanganakan ni Jesus at ang pagbisita ng tatlong hari sa kanya na sina Caspar, Melchoir at Balthasar at naghandog ng tatlong regalo at ito ay gold, frankincense at myrrh. Sa unang pagkakataon nag-enjoy ako bilang isang bata tulad ng unang pagtikim ng selekta icecream at magkaroon ng christmas gift. Dahil naging memorable sa akin ang unang pagpunta ko sa lungsod, nagdesisyon ang aking ate ng dito na ako magpatuloy ng pag-aral sa high school. Iniwan ko ang aking kamusmusan sa probinsya at ako ay naging city boy na. Sa unang taon ko sa high school marami akong modernong natutunan. Hindi lang sa paaralan kung hindi sa TV programs at musika. Naalaala ko pa ang kanta ni Marco Sison na tungkol sa tatlong babae na sina Aida o si Lorna o si Fe (kung sino ang pipiliin nya). Medyo kaluman na yon na sa aking teenager na kapanahonan kaya hindi nagustuhan. Sa aking kapanahonan ay nilunsad ang Gwapings na sina Mark Anthony Fernandez, Jomari Ylllana at Eric Fructuoso. Hindi ko yun nalimutan kasi naging Gwapings rin kami ng tatlo kong kaibigan. Uso noon ang trio. At sa pagtira ko sa lungsod ay na-notice ko na tatlo pala ang elisi ng electric fan at tatlo ang kamay ng orasan para sa segundo, minuto at oras. Wala kasi yun sa amin sa probinsya noon. Ang buhay ko dito sa city ay umiikot sa eskwelahan at bahay. Leksyon at TV kaya nakahiligan ko ang buhay ng mga artista. Naging uso ang Love triangle sa kapanahonan ni Judy Ann. Ang unang nakalove-triangle niya ay si Rico Yan at Wowie de Guzman. Siya ang kauna unahang nagpauso ng love-triangle( ito ay sabi ng aking kaibigan na ang idolo ay si Judai). Ngayon ay usong-uso ang 3rd party at threesome. Una ko itong nalaman sa internet o chat pero I did not dare to do. Kababoyan yun para sa akin. Sorry. At naging uso ang trio inspired by the DREAMGIRLS- the movie(composed of 3 female singers) at ang TATSULOK(may tatlong dulo) ng BAMBOO.

Siguro naman may idea kayo kung ano ang post na to. Ito ang promise ko na magpost ng tungkol sa tatlo dahil 3rd month of blogging ko.

12 comments:

Anonymous said...

congratulations redlan! isa kang huwaran. alam mo eversince i started reading this blog sabi ko, this site might not be soooo layouted pero i know, the content itself is the layout of the blog. super interesting and the author himself knows how to value his readers by any other means. Mapa insights at mapa ackonwledgements.

Keepon blogging redlan. maraming salamat sa mga naiinspire mong tao..sa mga experiences..mga thoughts.. thank you so much.

COngrats and happy blogging! :D

Anonymous said...

Ang alam ko 4 ang kulay ng Philippine flag: asul, pula, puti at dilaw.

RedLan said...

Thanks sa appreciation mo @ Jackie. Hindi lang naman ako ang umi-inspire sa kanyang reader. Kaw rin! May sarili tayong uniqueness. Bawat blogger naman meron nyan. Depende lang sa pamamaraan.

Keep it up! And thank you once again.

RedLan said...
This comment has been removed by the author.
RedLan said...

Tatlo lamang ang kulay ng philippine flag. The Blue over red bicolour with white equilateral triangle by hoist containing yellow sun and three yellow five-pointed stars. Ang yellow ay kulay ng 3 5-pointed stars and the sun. Therefore, the flag of the Philippines shall be red, white and blue, with a sun and three stars as consecrated and honored by the people and recognized by law.

Thanks sa pag-drop by at pagcomment @ anonymous. Maging sino ka man. hehehe

Four-eyed-missy said...

Happy 3rd month of blogging, Red.Keep on keeping on :D
And yes, I am back now after a week of absence.

Anonymous said...

wow, galing mo talaga Red, you are very creative talaga! Ilan sa mahalagang matutunan natin sa buhay ay ang matuto tayong magsabi ng tapat sa Diyos at sa kapwa ng:

I Love You
I Am Sorry
Please Forgive Me

Ay, mali yata ako, lol! ito nalang sasabihin ko sau Red: palangga ka gid! ingatz!

RedLan said...

Welcome back @ ZJ. AM waiting for ur new post.

Take care!

RedLan said...

Mrs T, daghang salamat. Keep that flashing smile always!

Anonymous said...

walang anuman redlan;) u deserve it :D

Anonymous said...

galing ah! this is a nice entry for ur 3 months! like what ur hidden talent is, this post is soo creative. i luv visiting here and reading ur posts. can i add u in my links?

RedLan said...

Thanks @ Recel. Sure u can add me. It's my pleasure.

Keep blogging!