COPYRIGHT

All rights reserved. No part of this website may be reproduced or reprinted the information especially the photographs by any means including computer printing, e-mail, personal website etc. without prior permission of the copyright owner, except by a reviewer who may quote brief passages in a critical article or review.

Aug 9, 2007

MRS. T. TAGGED ME and MY FIRST EVER MEME

Mrs T. tagged me

What books and/or magazines did I read this month? Mahilig ako sa artista. Every month I read entertainment magazines. I read Bob Ong’s MAC ART HUR. Hindi ko pa natatapos. Imee, my kikay friend and officemate is so kind at pinahiram niya ako.

What movies and/or tv shows did I watch this month? Hindi pa ako nakapanood ng movie this month but I always watch KAPAMILYA’s shows everyday.

What special days did I celebrate and how? Wala pa akong nacelebrate na special day. Kakastart pa lang ng buwan e.

What gifts did I give and/or receive? I gave a kiddie bag for my high school classmate daughter’s birthday. I received kind gifts everyday at yan ang pinasasalamatan ko sa Diyos.

What illnesses or health concerns did I have? Nagkaroon ako ng singaw at kasunod noon ay lagnat, ubo at sipon pero okay na ako ngayon. Minsan sa pag-ubo ko lumitaw at nag-hello ang sipon sa ilong ko.

What fun things did I do with my friends and/or family? Pinadama ko sa kanila na mahalaga sila sa akin which is am here ready to help and support.

What new foods, recipes or restaurants did I try this month? Although am loyal when it comes sa lahat ng bagay but I tried this new flavored strawberry juice. Wala pa akong napuntahan na bagong resto in the city.

What special or unusual purchases did I make? The souvenir key chain na may pangalang ILOILO. Binili ko lang.

What were this month's disappointments? Waste of time at marami pero hindi ko na iniisip. I make it up na lang.

What were my accomplishments this month? Work deadlines. My blog’s comments.


MY FIRST EVER MEME

Naalala nyo pa ba ang mga escapades noong elementary? Ang mga titser na kinatatakutan, ang unang natutunan sa silid aralan at ang mga kaklase na naging kalaro.

GRADE I- Tatlong unang araw ko sa grade one ay hindi ko nagustuhan ang mga kaklase ko. Tinamad ako at hindi na pumasok sa mga sumunod na mga araw. On the following year na ako pumasok ulit at the age of 8 years old. Naging kaklase ko na ang childhood sweetheart ko (as if hinintay ko siya. Hehehe). In grade one, una kaming tinuruan sa pagbasa at pagsulat (Wala pa noong prep). Dito ko unang natutunan ang A E I O U at ang A Ba Ka Da o sa ingles A B C D. Tinuruan din kami sa pag-count. 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10 up to 100. Tinuruan din kami sa pagkanta (with action) ng one-two, I tie my shoe; three-four, shut up the door; five-six, pick up the sticks; 7-8, lay them straight; 9-10, a big fat hen. May sariling version din kami kapag sa labas ng room: one-two,bato; three,four- bapor. HENNY PENNY ang unang binasa ko libro. Tinuruan din kami ng iba’t ibang kulay. Pagkatapos ng klase ay may honor(medal) ako. Pero ang pnagtaka ko ay bakit na nilagay ako sa huli na section one naman ako samantala ang isang bata na section two ay nauna pa sa akin. Overage daw ako.hmmmm….

GRADE II- Very strict ang aming guro na si Mrs. Gerondiano. Buong araw kami na nakaupo sa klase as in hindi pwede malikot. Dapat ang mga mata ay sa blackboard habang nakikinig sa kanya. May oras sa pagsalita, pagkanta, sa pagpunta sa c.r. I remembered, one time lumabas siya ng room at kami ay parang mga kalabaw na nakalabas sa kulungan. Laro kami ng laro kasi natagalan siya sa pagbalik. At dahil naaliw kami sa paglaro at nagsisigawan, hindi namin namalayan na dumarating na siya. Kurot sa hita ang tinamo namin. Masakit kasi mahaba ang kanyang kuko. Ouch!

GRADE III- Si Mrs. Esmao ang naging guro naming sa section one. Isang umaga she said: “Class, follow me.” Lumakad siya palabas ng kwarto. We followed the way she walked pero she meant-sumunod kami sa kanya papunta sa garden. Half day kami sa garden. Yun ang aming parusa. Wala na akong medal pagkatapos ng klase kasi magmula grade one to grade two hindi ako nagdala ng manok para katayin at iluto para sa bisita during graduation ceremony. Every honored pupil in all levels kasi dapat magdala ng isang manok.

GRADE IV- Si Mrs. Magapan ang titser namin. Newly tranfered teacher siya sa aming eskwelahan. Mabait siya sa amin. Ang una kong na-notice sa kanya ay ang kanyang mga kuko. She told us na epekto raw yun sa araw-araw niyang paglinis sa c.r. gamit ang muriatic acid. Nainggit sa akin ang mga kaklase ko kasi naging kaibigan at seatmate ko ang pinakamagaling na bata sa aming silid-aralan. Siya si Joshue. Sa taong din yun nagdala ako ng sariling armed chair para sa isang left-handed. At naging uso noon ang Nutri bun.

GRADE V- Palipat-lipat kami ng room dahil iba’t ibang guro ang nagtuturo sa bawat subject. Si Mrs. Valencia ang aming adviser. Siya ay nagtitinda ng ice candy at nagpapakuha ng puting buhok tuwing tanghalin pagkatapos naming kumain. Mabait naman siya sa amin. Sa baiting na ‘to, isa-isang nagdadalaga na ang mga kaklase naming babae.

GRADE VI- Si Mrs. Torreflores ang naging adviser namin. Pero naging mabait si Mrs. Tuminez sa akin. Siya ang titser namin sa H.E. Isinali niya ako sa isang contest. Ako lang ang isang lalaki sa contest na yun. Naging homemaker of the year ako noong graduation at doon ko na lang nalaman na pambabaeng contest pala ang sinalihan ko.

I will tag Mrs. T, Jowell, Roselle, Reigh, Pepe, Myk, Kev, Ariel, Josh, Fjordz, Zj, Cory, Biboy and Coiledice .

Anyone who is interested can do this too.

11 comments:

leeflailmarch said...

I'm gonna have to pass for now, my friend. Thanks for remembering me though! :D God bless you more!!!

RedLan said...

No problem myk. U tak care always. God loves u!

Admin said...

Talagang natatandaan mo pa!

Hehe :) Mabuti yan sa brain.. hehe :)

Four-eyed-missy said...

Glad to be back in the city :) Wow, grabe ang memory mo ha! Ako kaya, may maalala pa ako? Ayos, Red. I will do this sa weekend. Have a good weekend.

RedLan said...

ill visit the site later @ trojoke. thanks sa pagbisita.

RedLan said...

Thanks sa comment richard. panay ang dalaw mo ha. i appreciate it. Kaw ba di mo na natandaan?

RedLan said...

Thanks sa comment @ Zj. Sige nga try mo. hehehe. Am glad nagkaroon ka na ng time sa pagblog. am excited to wait the next post of urs.

Dear Hiraya said...

hi redlan ill try my best na magawa tong meme hehehe.. mukhang every weekends na lang yata kasi ako makakpagblog sa sobrang hectic ng sched sa school hehehe

RedLan said...

No prob @ Fjordz. Hindi naman required na gagawin mo yan.

Take ur time and take care palagi.

The Itinerant said...

eh? galing nitong meme na ito ah! hehhe, ba't wala ako? hahha!

RedLan said...

Sowee Br. Vince. kala ko kasi di ka mahilig sa meme. Pwede mo rin gawin kung gusto mo. everyone can do naman.