COPYRIGHT

All rights reserved. No part of this website may be reproduced or reprinted the information especially the photographs by any means including computer printing, e-mail, personal website etc. without prior permission of the copyright owner, except by a reviewer who may quote brief passages in a critical article or review.

Jun 10, 2007

ANG TULASERYE (Part 2)

Nabuntis at nanganak si Esperanza
At ito ay si MARINA.

Kahit malungkot at di matanggap ang nangyari
Niyakap ng kubang ina ang sirenang anak na humihikbi.

Malungkot ba siya dahil mas maganda ang sirena keysa kuba?
Di matanggap dahil dapat kung ano ang puno ay siyang bunga?

Labag man sa kalooban nila
Sa dagat pinaubaya nila si Marina.

Isang linya ang binitiwan ni Ezperanza
“Anak, SAAN KA MAN NAROROON
Mahal ka naming ng iyong ama.”

Si Super Inggo ay may hinala
Para sa kanya si Mara ay talagang masama.

Pagkaraan ng sampung taon
Ang trahedya sa kanilang buhay sa limot nabaon.

Dumating sa kanilang buhay si MARIA FLORDELUNA
Ang ikalawa nilang anak na napakaganda.

Ngunit nang malaman ni Sarah ang magandang balita
Nainggit siya sa tunay na kagandahan ng bata.

Sa isip niya may gumagabag
Si Mara Clara kanyang pinatawag.

“Kapalit ng pera ko sa kapangyarihan mo.
Patayin mo ang anak ni Ezperanza at Super Inggo.”

Ang bata na walang kamuwang-muwang.
Pinatay na parang kinagat ng langgam.

Ginamit ni Super Inggo ang kanyang kapangyarihan
Laban sa kasamaan.

Si Mara ay ginawa niyang siokoy
Samantala si Sarah ang naging unggoy.

Dahil sa kasamaan nina Mara at Sarah
Parang MGA ANGGHEL NA WALANG LANGIT ang dalawang bata.

Ang masamang nangyari sa dalawa nilang anak
Ito ay tumatak na sa kanilang utak.

Ito ba ay GULONG NG PALAD
O guhit ng palad? (itanong mo kay ruffa, day).

SANA MAULIT MULI- ang huling linya ni Mara at Sarah
Para maituwid ang maling nagawa nila.

Sa ginawa nilang gulo

Sila ay natuto.

At sa dalawang nagmamahalan
SANA WALA NG WAKAS ang kanilang pag iibigan.

Dito nagwakas na sana, pero si Esperanza(aka Imang) ay may hinihingi pa.
Sana raw sila ay maging complete family na.

Si Inggo ay nagsalita
“DARATING ANG UMAGA, ika’y magsusuka.”

“At kung siya ay magbubunga
YSABELLA ang ipangalan natin sa kanya.”

Maitanong ko lang
Paano kung lalaki naman?
Hmmm. Eh di Ryan ang ipangalan!.

Abangan ang pagsilang ni Ysabella
Sa July 2 ang expected due date niya.


No comments: