COPYRIGHT

All rights reserved. No part of this website may be reproduced or reprinted the information especially the photographs by any means including computer printing, e-mail, personal website etc. without prior permission of the copyright owner, except by a reviewer who may quote brief passages in a critical article or review.

Mar 19, 2009

MAY K KA BA?

Hindi ako mahilig sa alahas. Kahit relo hindi ako nagsusuot. Pero dahil sa gusto ko magkaroon ng bagay bilang alaala mula sa sahod ko, bumili ako ng isang singsing. Yan ang suot ko na bahagya lang makikita sa litratong 'to. Ang bracelet kasi na suot ko ang kinunan ko ng larawan. Yan naman ay bigay sa akin ng kaopisina ko. Hindi yan mamahalin pero mahalaga sa akin dahil bigay yan sa akin bilang pasasalamat dahil pinahiram ko siya ng pormal na sapatos para sa daluhan niyang kasal. Sa totoo lang, wedding souvenir ang bracelet na yan.

Tara, silipin natin ang iba pang paboritong alahas ng kapwa ko blogista sa Litratong Pinoy.

19 comments:

pusangkalye said...

at talagang naki-usyoso din ako no? pero ako rin----di mahilig sa alahas----galawgaw kasi ako so istorbo lang sila most of the time.....

escape said...

totoo yan dahil mahalaga man ang materyal sa alahas mas mahalaga pa rin kung sino ang nagbigay nito.

Anonymous said...

di rin ako mahilig sa alahas pero nung magasgasan yung relo na bigay sakin nung ninong ko sobrang nalungkot ako :(

Anonymous said...

ako din di mahilig sa lahas, tsaka wala din akong pambili, hehehhee

lucas said...

hindi rin ako mahilig sa alahas...parang nahihirapan akong gumalaw...haha! pero kelangan kong mag-relo. makakalimutin ako sa oras eh..hehe!

---

hindi nga eh. pero balita ko cute daw? HAHA! kidding! :P

Anonymous said...

Nakakatuwa na marunong gumanti ang mga taong ginawan ng kabutihan. At kahit ako magiging paborito ko ang alalang bigay nila.

Happy LP!

RedLan said...

Anton: Pareho tayo. Parang sagabal sila sa galaw ko.

RedLan said...

Dong: Tama ka. Mas na-appreciate ko yung tao at sa dahilan ng pagbigay higit sa value nito as a material thing.

RedLan said...

CB: Naintindihan ko ang feeling mo, bigay yun ng ninong mo eh at am sure isa siya sa mahalagang nilalang sa buhay mo.

RedLan said...

Sheng: Mas makakagalaw ka kapag walang alahas. Simpleng tao ka pero may charm hindi na kailangan ang pampacharm. hehehe

RedLan said...

Ron: Ako lalong nako-conscious kapag may relo. Pero minsan kelangan natin maging aware at sa puntong yan makikita natin ang kahalagahan ng relo. Ako kasi left handed kaya sagabal sa akin na magsuot ng relo.

RedLan said...

hess: Tama ka. Happy LP rin. Ganda ng entry mo.

krykie said...

haha kamusta naman yun
anino ng singsing ang nakita ko
LoL :D

de kasi maxadong kita.

pero di ba wala naman halaga yun price hihii :D

Reena said...

i have a few pieces, but i'm not fond of wearing them. :) usually earring lang. naiinitan kasi ako when i wear bracelets or necklaces. :)

i carry a rosary with me all the time. :) feeling ko it protects me. :)

MeL said...

We treasure things not because of its value but because of the reason behind it. ;)

Di rin ako mahilig sa alahas. I prefer pakikay stuffs! Haha

Anonymous said...

dahil nga sa sentimental value kaya natin iniingatan ang mga bagay bagay ano, happy lp!

Reena said...

i have to comment again. lam mo ba i dreamt of the rosary? as in i was praying daw....

HalfCrazy said...

Hmm, iniiwasan kong magsalita ng masyadong Tagalog para tayo'y maintindihan rin ng mga foreigner pero matapos kong basahin ang blog mo, na feel kong kailangan ko rin mag comment ng wala masyadong halo na Ingles.

Di ako ganun maka Diyos pero maganda yang Bracelet.

Anonymous said...

Ganda nyan ha. Mahilig ako a mga ganyang accessories. Mas type ko kesa sa tunay na alahas :)

Happy LP