COPYRIGHT

All rights reserved. No part of this website may be reproduced or reprinted the information especially the photographs by any means including computer printing, e-mail, personal website etc. without prior permission of the copyright owner, except by a reviewer who may quote brief passages in a critical article or review.

Dec 7, 2007

Nagtitipid ako...

Isang gabi, tahimik na ang paligid, hindi ako makatulog although nakahiga na ako. Nakadilat pa rin ang mga mata ko habang makikita ko sa kristal ang liwanag na buwan. Bumalik sa aking isipan ang mga pangyayari sa nakaraan at umabot sa isang ideya na pinasya kong gawin. The next day, November 25, 2007, instead na sumakay ako ng double ride, ginawa ko na lang na isang sakay patungong simbahan. Nilakad ko rin patungo sa place ng close friend ko. Nilakad ko na dapat sana ikalawang sakay ko patungong opisina. Pwede naman pala. Kailangan ko lang talaga maging maaga. Pag-uwi ko, isang sakay rin na noon dalawang sakay ako. I saved 14php a day. May mga bagay rin ako na binawasan. 'Yung offering na binibigay ko tuwing magsimba ako. At pati pagkain kung kinailangan ay binawasan ko. Inilista ko ito sa aking daily planner. Ginagawa ko ito hanggang ngayon. In short, nagtitipid ako.

11 comments:

EneLya said...

..hehe.

ayos ang ganyan ah. di na masyado magastos. try cu rin kaya baka kaya co.

siguro caya co narin kasi di na ako kumakain dahil sa pag-aaral. hehe.

ngatz bro.

prayin' for u,
jazzy

Tess said...

great idea, basta lang wag kang magpa gutom, ayos yan Red! Keep it up!

Pepe said...
This comment has been removed by the author.
Pepe said...

Daw bal-an ko ni nga story ah he-he....! I was like this too a couple of months ago remember....? Anyways Red, kung nakaya ko kaya mo man na.... Take it easy lang.... Medyo tough na nga part ang tipid sa food....! =D

RedLan said...

Thanks sa pagcomment Jazzy. Sobra ka naman. dapat may laman talaga ang tiyan.

TC! God bless!

RedLan said...

Oo nga Mrs. T. Hindi naman talaga ako nagpapagutom. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos kapag gutom. Binawasan ko lang. Masakit rin kasi sa ulo kapag nasobrahan ka ng kain. Instead na nag extra rice ako palagi, one cup na lang.

RedLan said...

Tama ka Peps. Minsan kilangan natin magising minsan. Nasobrahan ako kasi. Kapag sobra, it's worst rin pala.

May purpose 'to. Good purpose. Ibalita ko na lang pag na-accomplish ko na.

Take care of urself dyan.

Anonymous said...

hahah.. yan ang ndi ko kaya. magtipid. would u believe till now wala pa akong naiipon? haiz.

RedLan said...

Ako rin wala pang naiipon. Pero kailangan talaga mag-iipon kahit kaunti. hehehe

""rarejonRez"" said...

ayyy sa paahon ngayon, kelangan talaga magtipid. naku... sobrang amahalan na talaga dyan sa atin ano? i couldn't believe it na ang banana toron sa amin tag P5.00 na daw. ano ba yan, di na ma-afford. too sad talaga...

RedLan said...

oo nga @ Recel. Nagtataasan na ang mga bilihin dito.