COPYRIGHT

All rights reserved. No part of this website may be reproduced or reprinted the information especially the photographs by any means including computer printing, e-mail, personal website etc. without prior permission of the copyright owner, except by a reviewer who may quote brief passages in a critical article or review.

Nov 17, 2007

Ang Payong at ang Piso

May mga araw na bigla na lamang uulan. Nagyayari ito na hindi inaasahan. Minsan umulan sa lugar namin pero sa ibang lugar ay wala naman and vice versa. At noong nakaraang gabi nakalimutan ko ang aking payong sa office. Hindi ko inaasahan na umulan ng malakas at nagdulot agad ng baha. Kagagaling ko lang sa place ng close friend ko. He texted me kung may payong ako. Sabi ko wala. Alam ko naman na titigil ang ulan kaya pumasok muna ako sa isang computer shop sa kanto. I never expected na pupuntahan niya ako at may dala siyang payong kahit na sinabihan ko na siya na huwag na… kasi titigil naman ang ulan. Ang nangyari ay hindi siya makatawid sa kabilang kanto dahil ang kalsada ay naging pool. Kailangan pa niyang sumakay sa tricycle. Ang ending, siya pa ang nabasa. Umuwi siya agad at nakarating na siya sa kanyang place at saka tumigil ang ulan. Sabi ko na nga. Tumigil na ang ulan at nagsubside na ang baha pero naiwan sa alaala ko ang kabutihan na ginawa ng isang tunay na kaibigan, willing to help voluntarily. Kadalasan ang kabutihan na ginawa mo ay talagang babalik sa’yo (not to mention the bad ones). Dahil ang payong na pinahiram niya sa akin ay ang payong na binili ko para sa kanya noon dahil umuulan at ‘yun din ay hindi niya hiningi sa akin.

Back then, naghintay na ako ng sasakyan pauwi nang may taxi na huminto sa harapan ko. Tinawag ako ng pasahero nito. Hindi ko siya na-recognize agad. Sa ikalawa niyang pagtawag ay saka ako lumapit. Neighbor pala namin. He is nice naman pala. Actually hindi kami niyan nagpapansinan before. Pareho kasi kami na walang pakialaman. Yung tipo na kung hindi mo ako kinakausap, hindi rin kita kakausapin. Sabi niya, “Iisa rin naman ang babaan natin, sakay na(parang super ferry).” Nagbigay ako ng share sa fare pero hindi niya tinaggap kaya nagpasahan kami ng pera. Natalo ako. Hinintay ko siya pagbaba naming para ibigay ulit ang share ko. Sabi niya, “Ikaw ha… Ikaw nga ang nagbayad ng pamasahe ko noon.” Natawa ako at nagreply na, “Piso lang naman yun at binayaran mo rin ako the following day.” Naalala ko kasi noon na magkasabay kami sa jeep pero hindi nagpapansinan. Pagbayad ko bigla na lang siya nagtanong kung may piso ako dahil kulang ng piso ang pamasahe niya.

Sa dalawang kabutihan na ginawa sa akin nang gabing yun, dalawang salita lang ang naisukli ko, “THANK YOU”. At ‘yun ay galing sa puso ko(hindi sa puso ng saging).

6 comments:

Pepe said...

May good hearted taxi drivers pa gid man....! Kis-a masyado nang mga taxi drivers, pila kami da ka beses nabiktima sa aton....! Lucky ka nga kaingod mo gali....! =D

RedLan said...

May ara gid man driver suplado, gusto ya makalamang. May ara man mayo. nami magstorya. daw may konswelo ka man magpasobra plete mo. One time may taxi driver reklamador. ako pa pangkuton ya kung sa diin ko ayon manaog. ti kay nagderetso ko central market. mangkot siya diin dampi nga pwertahan. Hambal ko sa welcome da bala mu na ang pwertahan sang central market. nagbanat pa gid siya. hambal ya ari pwertahan man sang central market. hambal ko nong, pwertahan na ya pa brgy monay(pasulod sa dami prosti). Kulang pa change ya. hay.

ang kaingod ko amu ang pasahero nga la kami before gasapakanay.

""rarejonRez"" said...

oh... touched ako!

"thank you" seems to be the most perfect and unselfish 2-word-statement. it sure could lighten and touch someone's heart. especially if it's that sincere. like how you said it Red!

regards!

RedLan said...

Oo nga @ recel. esp. kapag ako ang pinasasalamatan.

Thanks

Anonymous said...

nakakatuwa talaga when we get kindness from people we dont expect kindness from di ba? Kais mabuti kang tao kaya marami ka ding kabutihang natatanggap. The rule of karma,remember? TC!

RedLan said...

Thanks Mrs. T. I know it happened to u too. Mabuti ka ring tao eh.