Bata 1: Pare, isa na lamang ang natirang balut ko.
Bata 2: Ang akin ay labin siyam pa. Pero okay na yun kasi 90 ang dala ko kanina.
Bata 1: 60 ang sa akin at isa na lang ang natira. Uuwin na ako.
Bata 2: Sige pare at maglalakad pa ako para maubos tong paninda ko.
Ako: Bibilhin ko na lang ang natira mong balut. Balut pinoy ba yan? Magkano ba?
Bata 1: Oo sir. Sampu po sir... este 8 pesos pala.
Ako: Hehehe. Salamat at balut pinoy. Lagyan mo ng asin.
Bata 1: Kuha ka sir (sabay offer ng asin sa plastic).
Ako: Huwag na lang. Sa bahay na lang. Sa bahay ko naman kakainin 'to.
Balut: Uy, huwag mo akong kainin.
Ako: Binili na kita. (Joke lang)
Hindi ako usually kumakain ng balut lalo na kapag may sisiw sa loob. Minsan natikman ko 'to at okay na rin. Yung egg yolk lang ang kinakain ko. Pero na-caught ng attention ko yung bata. Napaisip ako, child labor? Sa kanilang murang edad dapat sana ay naglalaro ang mga iyan o nanonood ng TV tuwing gabi pagkatapos magdinner. On the other hand, mas mabuti na lang yun keysa magnakaw sila, magsinghot ng rugby(tama ba ang spelling), o maglimos. Bilib ako sa mga batang tulad nila dahil sa kanilang murang edad marunong na maghanap ng pera, mas may nalalaman at natutunan sila sa buhay in their early age.
10 comments:
wow! alam mu bang paborito ko ang balut kahit na bawal sa akin pag sobra.. lalu na yung sabaw..
yung napanood kong chefna foreigner, tinikman niya ang balut at sabi niya masarap daw pero ang hindi lang daw niya maatim na tikman yung sabaw hehe..
Grabe ang cholesterol sa balut. Masustansiya raw ang sabaw nito. Sarap naman talaga. Ang hindi ko lang kayang kainin ay ang sisiw. ewww. hehehe
Sobra akong na-excite sa header na ginawa ko and I posted it agad. Thanks sa pagpuna- I really appreciate it.
Isa ka na uupo sa VIP sa darating kong monthsary rara.
naku kuya totoo yan. plus may mga parents pang minamaltrato cla. sana nga man lang matuwa pa cla sa mga anak nila kxe nakakatulong ang mga ito sa kanila.haiz.
pero infairness kuya, nagutom ako sa balot ;)
Aha kumakain ka rin pala ng balut. hehe @ Princess.
Red, you never know basi sya ang future president of the philippines....! Pero daw na-miss ko na naman ang balut....! Ikaw abi, gin pakita mo di sa blog mo he-he....! =D
sir red:
nakow! ang ayaw ko naman dun ay yung matigas na part-yung pute.. pero sa bi ng insan ko, di lang daw ako marunong mamili.. talagang matigas ba talaga yun or merong hindi?
Hehe. Gani @ Pepe. Who knows. Sorry, nagka-idea lang ko parte sa balut e.
Matigas talaga yun @ Rara. Ayoko rin ang part na yun.
miss ko na balut, hayyyyyyy! nakakaubos ako ng tatlong balut, lol!
matakw ka rin pala sa balut @ Mrs. T
Post a Comment