COPYRIGHT
All rights reserved. No part of this website may be reproduced or reprinted the information especially the photographs by any means including computer printing, e-mail, personal website etc. without prior permission of the copyright owner, except by a reviewer who may quote brief passages in a critical article or review.
Sep 24, 2007
ang SUGAT
Ang tanong: Ano ang totoong nangyari sa palagay nyo?
Ang sagot: Mamaya na.
Ito ang totoong nangyari:
Minsan sa buhay natin ay may mga insidente na tayo ay nasasaktan. Ito man ay physical o emotional.
Kahapon sa di inaasahan na pangyayari, bumagsak ang folding bed sa sahig at ang dulo nito ay tumama sa aking kanang binti. May pinaabot kasi ang ate ko at hindi sinadyng ma-push niya ang folding bed. Wrong timing because it was the moment I handed her that something. ( I don't want to mention, it's a gurl thing kasi.) Masakit at ang hapdi nang nilagyan ko ng isopropyl alcohol at bensalkonium chloride bilang first aide. Nagkaroon tuloy ako ng PMS (Mrs. T let me borrow ur term pls.) Pero lumipas rin ang lahat lalo na ang pagkainis ko sa pangyayari.
Naalaala ko tuloy ang pangyayari na ako'y emosyonal na nasaktan. Sabi nila, madali ang magpatawad pero mahirap kalimutan. Tama nga! Noon tinawanan ko ang mga touching na eksena sa TV o sa movie. Sa mga crying moments, ako's tumatawa...yung time na tinawanan ko ang officemate ko dahil siya ay nagkamali. Sa time na yun napatunayan kong totoong kaibigan si Marigold dahil sinabi niya sa akin na masamang ugali yun at hindi niya nagustuhan. It was a friendly concern something that I learned from her and from that experience.
Natutunan ko na kapag ang isang tao ay hindi nakaranas ng sakit sa damdamin at kabiguan sa buhay ay hindi maka-relate sa kanyang kapwa na nasasaktan. After nakaranas ako ng sakit sa emosyon, everytime na makakita ako ng taong feeling sad at umiiyak, nadadala rin ako pero ito ay hindi ko pinakita. Tinatago ko naman palagi ang kirot sa aking kalooban and I just prefer na maging tahimik na lamang.
Noong mga sandaling nasaktan ako ay hindi ako umiyak. Masakit talaga tulad ng nararamdaman kong kirot dulot ng pagkahiwa sa balat. Tulad ng sugat ko, hihilom din itong sakit emosyonal na naramdaman ko sa tuwing maalala ko yun. Pero ito rin ang magpaalaala sa akin na maging maingat para hindi na muling masaktan.
Lastly, ang sagot ay letter C.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
Hi Red... Ikaw, I don't think nasa personality mo ang pagiging self-destructive... so... hmmmm... letter C?
sagot ko ay letter C din! parang mahapdi tingnan ah! ouch!
RED, i hope dats not part of d wrist? baka a vampire tried to bit u but u moved & ran away?! :(
Hehe. Thanks ZJ. Tama ka!
Mahapdi nga Mrs. T. Bakal kasi. Okay naman as of now. Kay liit na sugat at malayo sa atay, ika nga.
Tama rin ang sagot mo.
Sa binti ko @ Josh. Sa ibabaw ng tuhod.
Ako ang vampire sa totoong buhay Josh. Pero iba ang sinisipsip ko, hindi dugo. Dutchmill! hehehe
masakit masaktan redlan. ang masaklap sa pagkakaroon ng ganitong sakit ung emotional. Ang maganda d2, sa parteng nasaktan tayo, natuto tayo. may bakas, pero maiisip mo, "ah oo. kungdi dahil don ndi ako natuto". something to ponder ikaw nga.
i blogged this once and ill say it once again.
mahirap magpatawad. pero kung ang pagpapatawad sa mga taong ngbigay satin ng sugat ay makakagaan ng ating saloobin, then lower the pride and let go of the ego temporarily.
i feel u red. yang sugat na yan, sa balat lang masakit. iba ung naging peklat na sa isipan natin.
cheer up. unwind.
*ika nga i mean.
time heals all wounds, ika nga! kahit gaano kasakit, nawawala din yan as time goes by pero never natin makalimutan ang experience na ganito. Nagiging lesson nalang natin yon and it becomes part of our life. Alam mo ako, ang dami ng taong nag cause sa akin ng emotional pains pero ayaw ko man silang patawarin, nari-realize ko nalang na basta nawawala nalang yong galit ko sa kanila ng kusa, ako kasi yong tipong walang masamang tinapay for me. Ang pagtatawad dumarating nalang yan kapag ready ka na. Maiba tayo, alam mo ba na panlaban ko sa mga sugat sy super glue? Dito ko lang yan natutunan sa asawa ko, kahit konting sugat lagyan mya agad ng super glue, bilis matuyo at gumaling ng sugat. This is a non-paid ad, lol!
isa lang ang masasabi ko, redlan....flawless pala ang skin mo...amputi ah......hehehe
Nyay! C rin ang hula ko at pagtingin ko sa baba, tama ako. :)
Bakal pa ang naka-scratch sayo? inisin mo po yan ng mabuti at mahirap na.
Agree ako kay blogadikted, flawless ka nga! LOL
Thank you so much @ Jackie. Napagaan mo ang nadarama kung sakit emosyonal. Tama ka. I learned something from that experience.
Salamat sa advice!
Salamat mrs T. for sharing ur own sentiments.
May natutunan ako dun. At thanks sa simple but effective way na madaling magpagaling sa sugat. try ko next time kasi okay naman siya.
Thanks talaga!
Lol @ Reigh. Ngayon may peklat na. hindi na siya flawless. hehehe
Dinagdagan mo pa Mel. hehehe. Flawless ha. hehehe. May piklat na. Okay na ang sugat ko pero dyan pa rin ang bakas at hindi pa siya hilom. Thanks sa advice. I did clean it. ang hapdi! (oa ko no?! hehehe
Post a Comment