Wow, Birthday Party! As expected birthday na parang fiesta sa handaan. Sobrang na- excite ako. Parang tinamaan ako so I took a pic of it. Click! Kahit maliit na bagay pero may effort, I really appreciate it. Ganyan kababaw ang kaligayahan ko. Kahit simple note ay tinatago ko. Pero hi-tech na ngayon, picturan na. Doble na ang souvenir. Pero ikinalulungkot ko, hindi ako maka-attend. I guess, all my officemates will attend mamaya maliban sa akin. WHY? Ito ang sagot.
Tinanggihan ko ang invitation dahil I’ll attend the burial of my college friend’s father in Guimaras Island later @ 2pm. Maging masaya sa birthday party pero I have symphathy with my college friend na ini-welcome ako sa tuwing pupunta ako sa bahay nila, iniimbita kapag may okasyon, sinasama sa kasiyahan. At gusto kong dumamay hanggang sa kanyang kalungkutan. Utang na loob kung tawagin.
What bothers me now is the superstitious beliefs.
No. 1: Bawal magsuot ng pula sa libing.
Pati sobre ng abuloy sa nakita nyo ay puti at may maliit na stripe na itim. I supposed to choose all black pero baka itim na itim at maging pangit ang dating so kinalkal ko naman ang nakatagong laid stationery collection. Hindi kasi malaki ang ibigay ko kaya dinaan ko na lang sa pagandahan ng envelope. Impress pagkakita pero disappointed pagbukas. Hindi naman maliit gaya ng sabi-sabi na “abuloy ay 50, kinain ay 100. Ang sabi ng bulsa ko, yun lang ang kaya niyang ibigay. Sa totoo lang, kahit magkano ay pinasasalamatan.
Solve na sana ako pero naging problema naman ang pamahiin sa patay. Napagkasunduan kasi namin ng high school barkada ko na pupunta rin sa lamay ng brother-in-law ng isa naming member. So after ng libing, sasama ako sa lamay but my close friend told me bawal daw base sa pamahiin. Kung sa pelikula, SUKOB(knock on wood). What?!! Dahell!!! Nairita ako sa pamahiin na sinusunod noon mula sa mga ninuno. To add:
No. 2: Bawal magwalis sa bahay ng patay.
No. 3: Bawal magsuklay.
No. 4: Bawal maligo at maglaba after ng libing. Hintayin ang tatlong araw na tinatawag na funeral shower (term ko lang para sosyal).
Maraming pamahiin noon pero hindi lahat ay sinusunod pa hanggang ngayon. Napaisip ako… Hindi naman yan nakalagay sa Bible at wala namang makakahigit pa sa power of prayer at strong faith to GOD.
Kayo ba ay may pamahiin pa rin na sinusunod noon? Ako meron pero hindi ko maalala lahat. Tulad na lang ng palaging pagpuna ng ate kong tinalikuran na ng panahon. Para sa kanya bawal ang babae na kumanta habang nagluluto dahil maging matandang dalaga ito. Sa susunod na pagkikita namin, tanungin ko nga kung bakit tumandang dalaga siya. Isa pang pamahiin noon na ini-impose niya ay bawal tumae pagkatapos kumain. Buwisit daw yun. Walang respeto sa grasya at hindi raw yun healthy. Naniwala ako sa maling akala. Kung pwede lang ipukpok ang ulo ko sa tae, ginawa ko na. Nalaman ko na healthy nga yun. Gusto kong isigaw pero hindi na ako bata. Kaso noon kapag magulang ka at matanda ka sa lahat dapat irespeto ka at igalang, Sinasabi nila yung ganun kasi ang mga bata tamad maghugas ng pinggan pagkatapos kumain at i-reason ang pagtatae, pwede mo naman i-disiplina ang bata sa tamang paraan at sa wastong pagturo. “Ang respeto, hindi ini-impose, Maricris, ini-earn yan!”- Bea Saw
Diyan lang muna kayo. I’ll go na. Ingat!
10 comments:
hehe,. natuwa aq sa post mo.. i mean, eto na naman tau.. napag icp na naman ni redlan.. hehe! pamahiin.. pasaway ako jan.. laging cnsbi ng lola ko yang mga yan pero di q sinusunod, hmm.. buhay pa naman ako. hehe!
deeply rooted na sa culture natin yan, buti nlang bnigyan tau ng free will para maitimbang kung magpapaalipin tau sa tradition at culture o magiging in touch with reality.
nice thinking!
sabi ng nanay ko bawal maligo pag may regla kasi mababaliw daw, aba siempre never ko sinunod yan, dati ng sira ulo ko e! Red, ingat and hope u have a safe trip! TY for dropping by!
I can't agree more with the post, kaya lang may biglang “Ang respeto, hindi ini-impose, Maricris, ini-earn yan!”Haha.
Wala naman talaga sa bible yang mga pamahiin, and to think sa atin lang naman yang mga ganyan. Eh pano na lang yung mga foreigners diba? malay ba nilang bawal palang maligo pagkatapos makipaglibing? Di namatay na silang lahat kaagad?
Superstitions has a big role in our culture, but it is somewhat a disrespect on our faith- a heresy to be considered. Pero hindi naman natin pwedeng i-impose sa tao na insult ang superstitions sa faith natin kasi matagal na rin yang mga pamahiin.
god bless!
Thanks sa pagcomment @ Elay. Sinabi mo na lahat kaya wala na akong masabi. May tama ka!
Mrs. T! Hello!! May example ka palagi sa mga post ko. Tumpak! Thanks sa palaging pagcomment.
Wow trizzz. Ang haba ng comment mo. thank you. Parang nawala ang pagod ko. Sang ayon ako sa mga sinasabi mo.
Tama ka RED, some superstitious belief are so off now-a-days, esp. saB nila f ur a Xtian and still clings to these stuff. But again, we should not argue much with r elderly out of respect. Try to appreciate their concerns, sometimes kc may practical side ang mga superstitions na yan (parang fung shui!)
Condolence to those whose love ones have died and may d souls of those dearly departed rest in peace in heaven!
May bagong kanta yung Bukas Palad patungkol sa mga departed love ones...hope i can learn it soon in time for november's commemoration of d saints & souls.
Wow napakahaba ng comment mo Josh! Thanks really! Happy 3 months of blogging to u, BTW!
May tama ang mga sinasabi mo.
natawa naman daw ako sa maricris-bea na away..hehehe. naloka ako.
anyways, kahit anong iwas naten sa mga pamahiin, let's accept the fact na it has been a part of our life, our culture and even our religion. ndi tayo makakaiwas sa mga ganitong ideas. Kxe we inherited this kind of thinking sa mga ninuno naten.
Asa sayo yan kung susunod ka o hinde. God always gives us the freedom to choose.
Oo nga Jackie. Hindi ko gusto pero there r some na sinusunod ko pa rin. Wala naman mawawala sau. Pero yung wala namang reason sa nakikita ko ay hindi ko sinusunod.
Thanks sa pagcomment
Post a Comment